I LOVE LETTER!
2ND DEMOSYON KO NA TOH!
Hindi ako mahilig dumungaw sa bintana, yung tipong emo-emohan tas nagbibilang ng bituin sa langit. O minsan naman kinakausap ang buwan. Tssuuu! Baduy. Korni. Cheesy. Matandang dalaga't binata lang gumagawa nun. Pero nung isang gabi, hindi ko alam anong pumasok sa kukote ko at nagawa kong tumambay sa bintana dito sa aking kwarto. Hehehe. Nakatingala sa langit. Hindi lang yun may background music pang kasama. Putiks! MTV ba 'to o MYX? Ano bang nangyayari sa 'kin at madalas sapian ng kabaduyan.
Actually may naalala lang kasi ako. Yoowwwn... Naalala ko lang yung kinain kong love letter dati. Tama kinain. Tama love letter. Pinagpuyatan kong i-type at maagang pina-print malapit sa eskwelahan namin nun. Para sa isang binibini. Hehehe. Nahihiya ako magkwento. Ahihihi.
Matagal na kong jologs. May love letter pang nalalaman ang sira ulo. Para kasing, iba ang salitang galing sa isip, iba din ang sa puso. Iba ang sinasabi, iba ang sinusulat.
Pero ayun nga dahil sa katorpehan ko nung mga panahong yun (3Rd year HIGH SCHOOL), hindi ko magawang ibigay sa kanya, kaya itinago na lang sa aking wallet. Natatakot kasi akong mabasted. Saka feeling ko hindi ako bagay sa kanya, sobra-sobra siya para lang sa isang hamak na katulad ko. Ume-emo na nanaman.
Sa tuwing maglalasing kami nun magbabarkada siya bukambibig ko. Masaya ako pag naririning ang pangalan niya. Kaya nung minsang uminom kami nung mga panahong yon, kinalkal ko ang buset na love letter sa wallet ko. Binasa sa isa kong kaibigan NA... may gusto din sa babaeng yun at binasted siya. Buti nga sayo tsong. Pareho tayo. Loser. Gwapo na nga yun at mayaman pa, hindi pa rin umubra sa kanya. Dahil sa katotohanang yun, sumuko na din ako.
Sumubok akong ligawan siya pero pinagtatawanan niya lang ako. Lagi akong tumatawag sa telepono nila sa bahay, pero pinaghihintay ako ng matagal sa linya. Pag kinakausap ko siya jino-joke ako. Hindi ako sineseryoso ng walangya. Hahaha.
Pagkatapos kong basahin ang ginawa kong love letter, dun sa nabasted kong kaibigan. Pinunit ko ang isang bahagi ng sulat. Nilukot. At kinain. Sabay sabing... ang mga sinulat ko dito ay galing sa puso, kaya ngayon ay pipiliting pagapangin pabalik sa aking puso at dun na lang mananatili hanggang tuluyang mawala... Sabay lagok ng redhorse. What the! Anak ng! Saan ko hinugot ang mga linyang yun?! Bakit ko ginawa yun?! Ang Bbbbaaaadddduuuuyyyyy! Baliw talaga ako. Lasing din kasi ako nun at nagda-drama-dramahan. At habang ume-emo ako nun, itong kaibigan kong ito ay tawa ng tawa na parang mababaliw ang loko.
Makalipas ang ilang taon, may mga naririnig ako tungkol sa kanya. Kung saan siya nagtatrabaho... may boypren... blah blah blah... Pero wala na ang kilig. Hindi ko na rin mahanap ang natirang bahagi nung kinain kong love letter. Buset na pag-ibig, darating ang araw pagtatawanan mo din pala.
Baka may magtatanong anong lasa nun. Mapait. Kasing pait ng aking puso nuon. Eh ganun talaga eh. Hahaha.
KENVIC<3vente div="div">
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento