Martes, Agosto 21, 2012

2nd chance!!

SECOND CHANCE…
ilang beses mo na bang sinabi or hiningi eto sa buhay mo??
madalas hinihingi ko eto sa itaas tuwing kinakausap ko sya.. madalas kasi akong magkamali sa mga desisyong nagagawa ko sa buhay. at hindi naman ako nabibigo dahil binibigay naman nya ang pangalawang pagkakataon na iyon. kahit na madalas eh paulit ulit kong hinihingi sa kanya dahil hindi ko matama tama ang mga bagay na minsang nahihirapan akong gawin. pero nandyan pa rin sya na walang sawa na magbigay sakin ng hindi mabilang na second chance.
IKAW? nagawa mo na bang magbigay ng pangalawang pagkakataon sa mga taong nanghihingi nito sayo?
ilang beses mo na etong hiningi sa mga taong mahalaga sayo or sa buhay mo?
AKO? hindi ko alam pero hindi mahirap para sakin ang mag bigay nito.. minsan hindi lang second ang kaya kong ibigay, third,forth,fifth… nabibigay ko! kaya naiisip ko katangahan na rin minsan! ahaha..(pero lahat my katapusan)
pero bakit may mga taong mahirap etong ibigay sa mga nanghihingi nito sa kanila.. sori pero feeling ko madamot sila. everybody needs a second chance.. kaya nga may salitang pagsisisi ay para maitama ang mga pagkakamali..
at hindi ba mas madaling huminga kapag walang taong nahihirapan dahil sa pagdadamot mo ng pangalawang pagkakataon?, mas madaling kumilos dahil hindi nakakahon ang mundong ginagalawan mo dahil baka magkasalubong kayo? at mas makukuha mo ang kalayaan dahil alam mong nagpalaya ka ng isang damdaming kakakulong sa iyong pagmamahal.
If you have made mistakes, there is always another chance for you. You may have a fresh start any moment you choose, for this thing we call ‘failure’ is not the falling down, but the staying down.

ps.
ang totoo walang pupuntahan ang posteng ito!
may masabi lang! ^^

okeyyy!!




                                                                  okey!!

vente!!  ni kenvic

okey… bakit ba okey ang title nito? wala kasi akong maisip na title.. well actually ang posteng eto ay epekto ng panunuood ko ng livestream ahahha.. dahil may napanuod lang ako sa livestream(last nato) Smile at topic nila ay tungkol sa pag ibig. gusto kong sumali sa conversation nila pero malamang pano ko magagawa yun diba? buti nalang may blog ako kaya sige dito nalang ilalabas ang aking opinion Smile
isa sa tumatak sa isip ko ay ang katanungang..
—> paano mo nga ba malalaman kung sya na ang para sayo?? ibig sabihin paano mo malalaman na yung minamahal mo ngayon ay sya na ang itinakda para sayo??
…… well i guess madali lang naman maramdaman yun eh.. naniniwala ako na ang pagmamahal ay nag fafade din sa paglipas ng panahon at maaari din mag fade eto pag hindi kana napapasaya ng iyong bf/ gf.. relationship is not just about love, kailangan mo din eto paghirapan or you need to work it out. hindi lang dapat nagdedepende sa pagmamahal na meron ka.. KAYO.. you have to make sure na napapasaya mo ang ka partner mo.. dalawa kase ang kaligayahan sa isang isang relasyon, meron yung masaya ka nalang dahil mahal mo sya, dahil kasama mo ang taong mahal mo. at ung isa ay masaya ka dahil hindi lang mahal mo sya kundi dahil napapasaya ka rin nito.. we always have to keep in mind na kumapit ka sa relasyong hindi ka lang masaya dahil mahal mo sya kundi dahil nagagawa ka nyang pasayahin.. and thats what we called “healthy relationship”… kase pag kumapit ka nalang sa isang relasyon ng dahil lang sa mahal mo sya dito dumadating ang mga 3rd party, dahil kapag nakakita ka ng taong kaya kang pasayahin doon pumapasok ang confusion. at once na meron nito sa isang relasyon ibig sabihin lang na hindi matatag ang pundasyon ng relasyon.. at yun nga ay dahil hindi mo napapasaya ang partner mo..
sa dami ng sinabi ko.. isa lang ang sagot sa katanungan na nabanggit ko.. kundi… “malalaman mong sya na ang taong para sayo kapag sa kabila ng lahat, ng pagkukulang, kahinaan, at lumipas man ang panahon ay mararamdaman mong hindi nagbabago ang pagmamahal mo bagkus ay lumalalim pa eto” maaring sounds funny sa iba lalo na sa mga taong hindi pa nakakaranas ng pag ibig na wagas.. naks!! hayufff ano bang sinasabi ko! ahahaha.. okey! forget it Smile
-—-> maaari mo bang maging kaibigan ang ex mo?? ikaw kaya mo ba? ehehe….
……. well in my case ahaha.. tsk! Smile lahat ng ex ko ay kaibigan ko.. true! minsan hindi maiiwasan na mapag usapan ang nakaraan nyo pero kapag wala na talgang feeling ay pagtatawanan mo nalang.. sbi ko nga, minsan akala mo mahal mo pa pero ang totoo ang pinagsamahan mo nalang ang mahal mo Smile
but some cases, may mga taong hindi kaya dahil ang sabi bumabalik daw ang feeling kung maging magkaibigan pa kayo, hmmm kung pareho kayong single, yah maaari. pero kung pareho ng my bagong jowa, hindi rin lalo na kung masaya na kayo pareho sa mga bago nyo db?
pero meron namang talagang kahit anong mangyari ay wala na ang feeling at dun nagsisimula ang isang mabuti at magandang pagkakaibigan Smile
pero we have to admit na mahirap i achieve to kase lalo na pag may mga bagong jowa na kayo dahil siguradong magseselos ang gf/bf ahahhah.
-—-> if you love her/him set her/ him free?? hmmmm magpaka hero? Big Smile
….. well in my opinion, if you love someone you have to fight for it.. dahil sabi nga ni bob ong.. Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.. dahil sa kahit saglit na pagtalikod mo marami ang maaring mangyari…
pero pag totoong mahal mo ang isang tao, wala kang hangad kundi ang kaligayahan nya.. kaya kung kaligayahan nyang wala ka sa buhay nya i guess d’yan lumalabas ang if you love someone set her/him free Smile
( your smile brings smile to me… kaya ng makita kitang masaya no bitterness, masaya ako para sayo coz you deserves it) Smile
OKEY… TAKE IT WHATEVER’S MEANT FOR YOU.. Smile
and you are to me…bernadeth!

kervic vente!




                                                  hayyyyyy buhay!!

                                                isinulat ni kenvic na walang magawa!!



buhay talaga parang life!!
kahapon lang nasa langit ka pero hindi mo alam kinabukasan bagsak sa earth na! (sakit sa heart! ay sa likod pala ) Smile
pero sa ganitong pagkakataon, may dalawang uri ng tao. mahina at malakas, dalawa lang yang pagpipilian mo. tanga ka kung pipiliin mo ang maging mahina.. fine! wag nating tawaging tanga ang mga taong nagpapatalo sa mga problema lalo na kung patungkol sa buhay pag ibig.. dahil lahat tayo alam natin kung gaano kalakas ang kapangyarihan nito, at maaaring kainin ang buong pagkatao mo…
sabi nga nila wala daw permanente sa mundo? naniniwala kaba? MALI! dahil ang pag ibig ay permanente, at hindi na eto mawawala sa ating sistema. maaaring hindi eto magiging permanente sa isang bagay o tao pero hindi eto mawawala sa atin.. ang magmahal..
nakakalungkot lang minsan na nagagamit ang pagmamahal sa maling paraan..ay mali! wala naman sigurong mali sa pagmamahal.. iba iba lang tayo ng pamamaraan kung paano magbigay at magpakita ng pagmamahal.. pero para sa akin ang tunay na magmamahal ay ang taong kayang magbigay ng respeto at loyalty sa taong mahal mo.. hindi ko lang eto binabase sa magkarelasyon, maging sa kaibigan at kapamilya.. nakakalungkot lang at nakakadismaya pag naramdaman mong mawala eto lalo na sa mga taong importante sa atin…
pero sabi ko nga… ang buhay parang life!
maihabol ko lang…
ang pagmamahal ay walang binibilang, ang magmamahal ay hindi mapagmataas, ang pagmamahal ay hindi dapat nanunubok, ang pagmamahal ay hindi maramot, ang pagmamahal ay walang sinusukat… at sa kabila ng lahat ang pag ibig ay IKAW…
at dahil ang pagmamahal ko ay hindi nagbibilang,hindi mapagmataas, hind nanunubok, walang sinusukat at hindi maramot.. ang pagpapalaya sayo ay lugod kong pinapaubaya… dahil ang katahimikan at kaligayahan mo ay nagbibigay ngiti sa puso ko..
masaya akong nakikita kang nakangiti at masaya..
hindi ko man eto makitang muli, alam kong malakas ka..
at kaya mong maging masaya muli wala man ako sa buhay mo..
kenvic<3 p="p" vente="vente">




                                                    YAPPPPPPPPPPPPPPPPPPZ!!
                                                tamang post lang wala kc magawa eh?



familiar kaba sa kasabihang kapag may nagsarang pinto ay wag malungkot dahil siguradong may magbubukas na bintana? ang sabi pa minsan nga ay hindi lang isang bintana ahahah.. at kapag na broken heart ka naman lage sinasabi ng mga malalapit sayo ” wag kang mag alala meron pang darating na mas higit sa kanya”..
ang tanong ikaw, napatunayan mo naba eto? nangyari naba sa buhay mo para paniwalaan ang mga kasabihang eto? marami ba akong tanong?? eh pano hind kapa sumasagot! ahahha..
sige fine! dahil ang author ngayon ay ako, ako nalang ang sasagot ehehe…. ang masasabi ko lang god is really good Smile or sadyang good boy lang ako kaya mahal nya ako Big Smile.. pano ko nasabi?? napansin ko lang kase, aktwali hindi ko lang napansin talagang ganito palageng nangyayari ehehe.. anyweiz, sa tuwing ako’y nawawalan ng taong minahamahal ehem ehem Grin or should i say on my darkdays or nadapa, ay for some reason ay lageng may dumarating na tao na hindi ko sinasabing susunod na mamahalin ha Smile wag kang advance mag isip! Big Smile basta isang taong magpapangiti o pupukaw ng atention ko which is good kase mababawasan ang bigat ng pinagdadaanan diba? Smile (im not just talking about romantic ways dito ha, pwede rin kaibigan Smile ) oo ako ng defensive! ahahha…
minsan bagong kakilala or minsan ay dati ng kakilala na dati ay parang wala lang, hindi kayo close tapos biglang sa gitna ng iyong kalungkutan biglang may mabubuo na masayang companion kumbaga..
pero hindi sa lahat ay nauuwi sa malalim na samahan, parang dumating lang talaga para mapasaya ka sa oras ng kailangan mong ngumiti pero minsan naman ayun humahantong sa malalim na malalim ahahaa.. (un na yon!) Grin
life is really full of mystery ika nga, pag may nagsarang pintuan may bintanang magbubukas, nawala lang sya dahil darating ang hihigit pa, at isama na natin ang everything happens for a reason at sige fine sige na! malay mo nangyari ang lahat para makilala mo na ang destiny mo! shaks! ang chessy!!! Grin (destiny ur feiz!) peace Grin
kaya wag nang malumbay inday Grin kenvic lovez you vente!!





                             Reyalidad lang!
                                                                              IKINUWEN2 KHO!


habang tumatanda ako, ay mali bata pa pala ako ehehe.. habang tumalaki ako, teka parang hindi naman ako lumaki kase yung size ko 10yrs ago ay ganun pa rin till now ahaha, sige habang nag kakaisip ako wait lang may isip naman ako kahit nuon pa ah!! haiii habang nagmamature ako. ayan swak na! ahahaha.. sige tuloy na ang kwento Smile yun nga, habang nagmamature ako narerealized ko na isang napaka kumplikado pala ang salitang trust o pagtitiwala.. totoo.. madali etong sabihin, yah i trust you. pero minsan ang hirap pala panindigan kase tao eh, hindi tayo diyos na alam ang ginagawa ng lahat 24/7 at iniisip ang nasa utak ng mga taong nakapaligid satin, kaht pa ng mga taong mahal natin.. kaya bigla ko naisip, ang hirap pala maging judge sa korte, kaya pala nag babase lang sila sa mga ebidensya, sa mga testigo, at statements ng bawat nasasakdal. at binubusisi talaga ng mabuti ang mga pangyayari. kase hindi naman madali ang magbigay ng hatol dahil wala tayong kakayahan na basahin ang nasa utak ng iba..
ako ang taong madaling magtiwala, kase iniisip ko ano naman ang magiging dahilan nila para magsinungaling or traydurin ako.. ang sama nun.nakakahiyang gawin.. at hindi ako ganun ako.. pero tama nga sya.. hindi porke hindi ka ganun ay magiging malinis din ang tingin mo sa iba.. ilang billion ba ang tao sa mundo? ang mundo ay hindi isang paraiso na puno ng mabubuting nilalang..
at isa sa pinaka masakit na pagdadaan mo sa buhay ay ang pagsisisi.. regrets.. pero hindi yun maiiwasan. sasabihin mo sana hindi ko nalang eto ginawa, sana hindi nalang nagbigay ng sobra, sana ginawa ko nlang eto. maraming sana… pero hindi dapat.. dahil ginusto mo yun kaya ginawa mo kaya bakit mo pagsisihan ang isang bagay na ginawa mo dahil ginusto mo diba?.
minsan may mga taong ginagawa nalang ang gusto nilang gawin para hindi sila masaktan, hindi nila iniisip kung tama pa ba o hindi. nananalo ang puso sa utak. at eto ang mga taong mahina.. at mayroon namang mga taong ginagawa nila ang tama at dapat kahit pa ang kapalit ay ang masaktan sila ng sobra sobra dahil pinaiiral nila ang utak bago ang puso. at sila ang mga taong malakas, matibay at matapang na harapin ang ikababagsak. hindi madali ang masaktan, pwede mo eto ikamatay pag hindi mo nakayaan kaya hindi mo masisisi ang iilan na sundin ang sinasabi ng puso kahit pa ang kapalit ay hindi na tama…
isipin mo nalang na nakayang mong lagpasan ang sakit na pinagdaanan mo nuon bakit hindi ngayon? sa dami ng tao sa mundo hindi lang ikaw ang nasasaktan, kung sila nga nakakaya nilang dalhin bakit hindi mo makakaya db? at ang walang kamatayang everything happens for a reason na lubos kong pinaniniwalaan.. na minsan iniisip ko sa panahong ganito na sana dumating na yung reasons na yun, nakakainip mag hintay ng sinasabing dahilan kung bakit ka nasasaktan ngayon.. bakit kailangan mo munang mamatay bago mo makuha ang sagot?
sabi sa stat ng wag na u sad, andito na me page sa fb.. (paki like na din) ahahaha.. —>Why am I crazily crying for just one person? Not knowing that there are a lot of persons doing the craziest things just to make me smile. Smile—-> yah tama! pero kung iisipin mo din kaht pa ilang million na tao pa ang gustong magpangiti sayo kung iisang tao lang ang nagiging dahilan ng bawat ngiti mo. its useless!!! minsan nakakatawa nalang yung mga quotes na pwedeng magpaluwag ng bigat ng pinagdadaanan mo, pero ang RIYALIDAD ay hindi ganun kadali ang buhay at hindi ganun kadali ang masaktan….

kaydee mho vente !!

practice buong araw!






sakit na ng katawan ko pag uwi ko sa bahay grave un! sayaw naun! nagpasakit sa baywang kho! puro kembot kembot kahit matigas ung katawan ko kailangan gumiling nang todo todo na walang preno hanep daig pa namin ung mag sex bomb sa eat bulaga !!
 una una kaya kaya haneppp ung song na2 ! i2 lng namn ang nagpasakit at nag palambot sa katawan ko! grave cnabayan pa ng role ko bilang princessa ! pero ok na ko dun keri ko namn gumanap bilang urduha! hanep image mo ung les nagsuot na pang sinaunagkasuotan at pang babae pah!
sana manalo kami sa event na2 tapos next weak mtv namn ang gagawin namin ano nanaman kaya kalokohan i22ro samin ng leader namin \!
saya ko kahit na pagod nandyan namn ungmahal kho nagpapagaang at nagaalis nang pagod sakin! kaya i2 high na high parin tu2k ka agad sa pc!

Lunes, Agosto 20, 2012

TEST BLOG ONE 2 ONE




Hello! Hello! Tao po. Hoy!!! Recorded na ba 'to?! Ok good! good! Be ready in... three... two... one...

Magandang araw po. Hayaan niyo akong ilathala dito lahat ng nangyayari sa buhay kong tambay. Maniwala man kayo o hindi pero ako 'to. Totoo. Walang biro o gawa gawa lang. Maaring ang buhay ko ay buhay mo.
Salamat po.

Ok ba 'yun?! Nakuha ba? Ok good! Pack-up na. Its a wrap.


MAHIWAGANG KABINET







               MAHIWAGANG KABINET
                                         IKINUWENTO NG WALANG MAGAWA!


Kanina. Para naman maging productive ang araw ko at hindi puro tambay-tulog-kain lang, naisipan kong maglinis ng inaagiw kong kabinet. Ang aking kabinet ay may tinatagong hiwaga. Dahil sa mismong loob nito ay may de-susing maliit na lalagyan na nababalot ng misteryo.

Heto ang mga mahiwagang laman nito. Hindi ko na isisikreto. Sa atin-atin lang.
Lumang letrato ng dating kasintahan. Hindi ako mahilig magsunog ng pictures kahit gaano pa ako ka-bitter.
Baduy na mga love letter. Yung tipong may mga linyang hanggang sa dulo ng walang hanggan. Notebook. Naging tahanan sa aming mga emosyon at naglalagablab na damdamin ng aking dating kasintahan.
Resibo ng tuition fee. Mga hindi pinakita sa aking mama nung ako'y marunong pang mangupit.
Tag. Kahit galing pa sa ukay-ukay basta may tag ang damit na iniregalo sakin itatago ko.
Bracelet/anklet. Simbolo DAW ng pagkakaibigan.
Pregnancy test. Dala ito ng pagaalinlangan at di mapakaling sitwasyon. For the record, negative lahat. Humahaba ilong ko. Hahaha.
RING. Inarbor pagkatapos ng mainit na eksena. NaBUMAHA NG LUHA . Salamat at naSAKIN PA!
Bote ng mga pabango. Pampaneutralize sa amoy ng mga panty.
Lighter. Mga ubos na ang laman. Napitik sa aking mga katagayan.



At kung anu-ano pang mga ka-ekleran at ka-chorvahan ang mga nakatago dito. Ito'y mga mumunting alaala lang na pinahahalagaan ko. Meron pa palang isa pero akin na lang yun. Nakakahiya. Ahihihi.

SELOS

          
            
          
       

Selos

Natural lang ba ang magselos? O isang kabobohan sa iilan?
Mahal mo nga ba talaga ang isang tao pag nagseselos ka? O mahal mo ang sarili mo?
Ayaw mo lang ba talaga siyang mawala? O wala ka lang tiwala sa kanya?
Gusto mo lang ba ipakita sa kanya na mahalaga siya? O naghihigpit ka?
Sigurado ka bang selos yan? O baka naman insecure ka lang? O di kaya naiinggit?
Emosyonal ka lang ba talaga? O masyado lang kung magdrama? OA ika nga.
Ayaw mo matawag na manhid? O ayaw mo lang na makahanap siya ng yong kapalit?
Kinikilig ka ba pag nagseselos siya? O nang-iinsulto ka?

Selos. Maaari ba nating maramdaman lahat ito? O para sa may mga karapatan lamang?  

Saktong selos. Pwedi pa. Sobrang selos. Tama na.
Pero paano mo malalaman kung sakto o sobra? Diba pag marami na ang sakto, nagiging sobra na.

Para sakin, pag nagseselos ka hindi ka nagmamahal. Dahil ang taos na pagmamahal ay hindi nagseselos. Ito'y handang umunawa.

Selos. Walang gamot sa ganyang sakit.

INDOOR OH!!!!




                           INDOOR OH!!
                                                          KENVIC LOVES YOU




Babala: Pakilunok muna ang kinakain bago basahin.

Naranasan mo na bang kumain habang umeebak? Teka, alam ko tanong mo. Sinong sira ulo gagawa nito? Sagot ko... AKO! Nagawa ko 'to dahil sa pagmamadali. Hahaha. Try mo ang galing. Ang sarap. Para kang sirang slot machine na ayaw tumanggap ng barya.

Napansin ko lang pag hindi ko na talaga mapigilan umebak. Na habang papalapit ako sa banyo lalong gustong kumawala nito sa loob ng aking katawan. Naghuhubad palang ako ng brief may sumisilip na. Para bang merong di maipaliwanag na magnetic force ang ebak at inidoro. O sadyang close lang talaga ang dalawang ito at hindi matiis ang isang araw na di pagkikita.

Saktong pagbaba ng ebak ay ang masayang pagbati sakin ng inidoro na may kasama pang water fountain na abot hanggang puwet. Hindi lang yun isang masigabo at dumadagundong na pagsalubong ang maririnig mo sa buong banyo.

Naalala ko tuloy ang dabarkads kong si JERRY.
Retreat kinabukasan kaya napagdesisyunan na lang naming matulog sa iisang apartment ng aking mga dabarkads. Paggising niya naghahanap agad ito ng sounds. Pang-araw-araw na ritwal na siguro niya ang magsounds habang naliligo. Dahil sa maaga pa at nakakahiya sa mga kapit-bahay, hindi siya napagbigyan sa kanyang hiling. Kamot tuloy siya ng ulo papasok sa banyo.

Pagsara ng pinto ng banyo... Brrruuuuu...BuuuLLLwwwwAaakkkK! BLaakbbbbakkK! BuuuLwakk!

Anak ka ng pagong! Kaya ka pala naghahanap ng sounds para di ka namin marinig umebak. Napapailing na lang kami habang naririnig ang kanyang pinapakawalan. Paglabas niya ng banyo, tawa lang siya sa kanyang ginawa.

Pero sa totoo lang, ang sarap kaya nun. Ebak sabay utot. Yun ang SUCCESSSSS!!! ;)

WWTBMA!!



                             WWTBMA
                                                     3RD DEMOSYON KO NA 2!!



May mga tanong sa mundo na wala talagang tamang kasagutan. Tulad nito... Bakit si Alma moreno? Si Lucio tan. Kung si Norman black, bakit si Redford white? Saan matatagpuan ang Sandara park? Teka bakit tootbrush? Diba dapat teethbrush?

May mga tanong din na hindi na kailangan ng paliwanag. Kagaya na lamang ng mga 'to... Bakit laging nakayuko ang biik? Pati na ang kambing. Isama na rin ang bibe. Panung naging mas mabigat ang karayom sa barko?

Iba ang mga tanong sa totoong buhay, iba din ang sa game show. Pero may mga pagkakataong nalalaman natin ang tamang sagot sa isang game show dahil sa ating mga naranasan sa buhay, at hindi dahil itinuro sa atin sa paaralan. Kaya mo kayang sagutin ang mga to. GAME!

TANONG.
1. Anong gagawin mo sa katabi mo pag nakakita ka ng kotseng kuba?
a.Babatukan sabay saludo b.Hahalikan c.Susundutin ang puwit d.Ipi-plaktos

2. Anong mensahe mabubuo mo kapag tiniklop-tiklop ang beinte pesos?
a.Utang ka hof b.Dalwa marboro c.Bli ka ng pilip d.Chmpion isa

3. Bago naging ch.7 ang eat bulaga saang mga channel ito nagpalipat-lipat?
a.11-10-9-8 b.3-4-5-6 c.13-9-5-2 d.2-4-6-8

4. Kanino sidekick si boknoy the fighting ball?
a.Maskrider black b.Machine man c.Ultraman d.Fiveman

5. Anong flavor ng ice-drop ang kapalit ng mga naipon mong bote ng patis o suka sa bahay?
a.Strawberry b.Rockyroad c.Melon d.Munggo

6. Ano get-up ng isang sabongero?
a.Hanes-Maong-Beachwalk b.Hiphop c.Punk d.Emo

7. Ilan ang original members ng care bears?
a.7 b.8 c.9 d.10

8. Anong bulaklak ang dinidikdik para makabuo ng bubbles gamit ang isang walis tingting na pinaikot?
a.Orchids b.Santan c.Gumamela d.Boungavilla

9. Sinong artista ang gumanap bilang Esteban sa sitcom na "Ang Manok ni San Pedro"?
a.Lito Pimentel b.Herbert Bautista c.Dolphy d.Vic Sotto

10. Anong laro ang ginagamitan ng dalawang kahoy na magkaibang laki?
a.Sak-Bang b.Langit-lupa c.Syato d.Sumpit

11. Ano ang nilalagay sa tali ng saranggola para makahuli ng isang saranggola?
a.Karayom b.Blade c.Gunting d.Bubog

12. Anong candy ang kinakain pati balat?
a.Stay Fresh b.Vicks c.White rabbit d.Bigboy

13. Ano ang nilalagay sa ilalim ng bangkang papel para magpaikot-ikot ito?
a.Tide b.Gard shampoo c.Fanta Rootbeer d.Agua net

14. Pag may love problems ka, kaninong Dj ka hihingi ng mensahe?
a.Cristy Fermin b.Kuya Cesar c.DJ Horsey-horsey d.Joe D mango

15. Ano ang paboritong pagkain ni Pong pagong?
a.Pritos Ring b.Saging c.Mikmik d.Ovaltine


Kung ganyan lang sana mga tanong sa game show, milyonaryo na ako.
Osiya sagot na para magkaalaman na sino dito matatanda. Hahaha!

I LOVE LETTER!!



                                                I LOVE LETTER!
                                                              2ND DEMOSYON KO NA TOH!



Hindi ako mahilig dumungaw sa bintana, yung tipong emo-emohan tas nagbibilang ng bituin sa langit. O minsan naman kinakausap ang buwan. Tssuuu! Baduy. Korni. Cheesy. Matandang dalaga't binata lang gumagawa nun. Pero nung isang gabi, hindi ko alam anong pumasok sa kukote ko at nagawa kong tumambay sa bintana dito sa aking kwarto. Hehehe. Nakatingala sa langit. Hindi lang yun may background music pang kasama. Putiks! MTV ba 'to o MYX? Ano bang nangyayari sa 'kin at madalas sapian ng kabaduyan.

Actually may naalala lang kasi ako. Yoowwwn... Naalala ko lang yung kinain kong love letter dati. Tama kinain. Tama love letter. Pinagpuyatan kong i-type at maagang pina-print malapit sa eskwelahan namin nun. Para sa isang binibini. Hehehe. Nahihiya ako magkwento. Ahihihi.

Matagal na kong jologs. May love letter pang nalalaman ang sira ulo. Para kasing, iba ang salitang galing sa isip, iba din ang sa puso. Iba ang sinasabi, iba ang sinusulat.

Pero ayun nga dahil sa katorpehan ko nung mga panahong yun (3Rd year HIGH SCHOOL), hindi ko magawang ibigay sa kanya, kaya itinago na lang sa aking wallet. Natatakot kasi akong mabasted. Saka feeling ko hindi ako bagay sa kanya, sobra-sobra siya para lang sa isang hamak na katulad ko. Ume-emo na nanaman.

Sa tuwing maglalasing kami nun magbabarkada siya bukambibig ko. Masaya ako pag naririning ang pangalan niya. Kaya nung minsang uminom kami nung mga panahong yon, kinalkal ko ang buset na love letter sa wallet ko. Binasa sa isa kong kaibigan NA... may gusto din sa babaeng yun at binasted siya. Buti nga sayo tsong. Pareho tayo. Loser. Gwapo na nga yun at mayaman pa, hindi pa rin umubra sa kanya. Dahil sa katotohanang yun, sumuko na din ako.

Sumubok akong ligawan siya pero pinagtatawanan niya lang ako. Lagi akong tumatawag sa telepono nila sa bahay, pero pinaghihintay ako ng matagal sa linya. Pag kinakausap ko siya jino-joke ako. Hindi ako sineseryoso ng walangya. Hahaha.

Pagkatapos kong basahin ang ginawa kong love letter, dun sa nabasted kong kaibigan. Pinunit ko ang isang bahagi ng sulat. Nilukot. At kinain. Sabay sabing... ang mga sinulat ko dito ay galing sa puso, kaya ngayon ay pipiliting pagapangin pabalik sa aking puso at dun na lang mananatili hanggang tuluyang mawala... Sabay lagok ng redhorse. What the! Anak ng! Saan ko hinugot ang mga linyang yun?! Bakit ko ginawa yun?! Ang Bbbbaaaadddduuuuyyyyy! Baliw talaga ako. Lasing din kasi ako nun at nagda-drama-dramahan. At habang ume-emo ako nun, itong kaibigan kong ito ay tawa ng tawa na parang mababaliw ang loko.

Makalipas ang ilang taon, may mga naririnig ako tungkol sa kanya. Kung saan siya nagtatrabaho... may boypren... blah blah blah... Pero wala na ang kilig. Hindi ko na rin mahanap ang natirang bahagi nung kinain kong love letter. Buset na pag-ibig, darating ang araw pagtatawanan mo din pala.

Baka may magtatanong anong lasa nun. Mapait. Kasing pait ng aking puso nuon. Eh ganun talaga eh. Hahaha.
KENVIC<3vente div="div">

TINIK

                           
             
                                  TINIK
                                                ISINULAT NG WALANG MAGAWA !!


Patay-sindi. Sindi-patay. Ganyan ang nangyari kanina sa mga ilaw namin dito sa bahay. Kala ko brownout na naman, pagtingin ko sa mga kapitbahay may mga ilaw naman sila. Nagbabayad naman kami ng kuryente. Pero bakit ganun? Chineck ko ang mainswitch, ok lahat. Lumabas ako tinignan ang poste. Ayun bingo! May kumikislap-kislap na parang bato ni Darna. Konklusyon ng pinsan ko baka lumuwag lang ang koneksiyon ng mga kable. Kaya tumawag kami sa power source (nice term) namin para ayusin nila.

Akala ko pa naman isa itong milagrong dala ng solar eclipse na nangyari kaninang umaga. Kala ko magiging superhero na ako.

Katatapos ko lang kumain bago pa kami tuluyang mawalan ng ilaw. Habang pinagmamasdan ko si manong na kinakalikot ang mga kable ng poste, ay meron din akong kinakalikot. Ang buset na tinik na tumusok malapit sa aking lalamunan. Dahil ito sa kakalamon ko ng galunggong namin. Medyo masakit dahil naiwang nakabaon ang ilang parte ng tinik. Kahit na dumugo pilit ko pa rin inalis kesa mamaga ang bunganga ko. Pero di pa rin ako sigurado kung natanggal nga dahil may nararamdaman parin ako. Hmp! Bahala na.

Teka, anong nangyari kay manong? Hindi naman siya nakuryente o nahulog. Mukha lang siyang napalaban sa mga kable. Ayun binigyan ni ermats na 100, pangyosi. Dapat 150 bibigay sabi ko 100 na lang sakin na yung 50 pANG LOAD ko. Inunahan ako ng karma ko. Dapat lang talagang natitinik sa lalamunan ang mga kagaya ko.

NANANA !

                            NANANANA!!!







Pagkahatid mo sa iyong mahal tapos uuwi kang mag-isa, marami kang maiisip o mararamdaman tulad ng... parang nakokontihan ka sa oras ng inyong pagkikita. Tatanong mo sa sarili mo kung kelan ulit kayo magkakasama. Minsan naman iniisip mo pa rin yung mga ginawa niyo sa maghapon. Yung tipong parang kagagaling mo lang magswimming tapos pag-ahon at pag-uwi mo parang nasa pool ka pa rin. Lumulutang. Lumalangoy. May ngiti sa yong mukha.

Minsan naman may mga pagkakataon, hahatid mo na lang siya mag-aaway pa kayo. Nakakabadtrip yung ganun. Tatalikuran mo siyang 'di man lang kayo nagka-ayos. Emo-emohan ang drama mo. Tapos pagsakay ng jeep ganito pa ang tugtog na maririnig mo...



Jusko. Bakit po? Bakit po? Bakit ganito ang buhay? Komedi!
KENVIC LOVE YOU!

KITEKITXT

          

                                                           TXTMA8 LANG PO^^

                                           ISINULAT NI KENVIC NA WALANG MAGAWA

                                                    

Ang pagkaka-alam ko ang salitang "po" at "opo" ay ginagamit sa matatanda, diba? Tama diba? Sa mga gurang ganun. Pero sa mga text messages madalas ginagamitan ako ng "po". Eh isa o dalawang taon lang naman ang tanda ko sa kanila. Bakit kailangan may kasamang "po" pa. Paggalang ba yun o pa-tweetums? Kung paggalang yun, pwedi mo naman akong igalang kahit walang "po". Kung pa-tweetums naman yun, hmmm... Naging pa-tweetums din pala ako dahil ginawa ko na yun dati. Hahaha. Nagsend na din ako ng mga message na tulad nito... Hello po! Kumusta po kana po? Kumain kana po? Miss na po kita po! I love you po...

...Kapag pala bibitawan mo ang salitang "i love you" sa text dapat pala tama spelling ng love. Hindi "i lab u po" o "Luv u po" o "lav yu po" o "labyoupo". Dapat pala love as in L-O-V-E. Dahil kahit san dictionary ka man magpunta ang lab, luv at lav, ay di mo makikita. Ibig sabihin kapag tinext mo ang katagang i lab u, i lav u, labyu sa mahal mo. Meaningless. Useless. Walang kabuluhan...

...Tulad nito walang kabuluhan kaya hindi ko sineseryoso. Sabihin ba naman sa akin na ang mga gwapo't magaganda daw kung magtext eh laging bitin ang mga mensahe. Pati daw sa pagba-blog. Kapag magsusulat daw bitin. Anak ng tokwa naman mga pare, sino naman nag-imbento nito. Kalokohan naman ito. Pweh! Pag bitin ang entry gwapo o maganda na siya? Di ako naniniwala dito. Pero kapag>>>>>>>>>
                                       
                                   
                                                           ?

kwentuhang masya




                                                                 BedRidden!!
                                                            ISINULAT NI KENVIC NAWALANG MAGAWA



Emo 'to. EMO! Di mo maiintindihan.

"I want always to be a boy, and have fun." -Peter Pan

Nagiging maliit na ang mundo para sa akin. Di katulad dati, ayos na araw ko makapaglaro lang ng langit-lupa-saksak-puso-tulo-ang-dugo, tagu-taguan-maliwanag-ang-buwan-pagbilang-ko-ng-sampu-nakatago-na-kayo, touch-the-color-red-blue-magenta-fushia. Pucha talaga, hindi na pala laro ito.

Hindi ko rin alam anong problema. Maraming bagay na ang hindi ko na maintindihan. Tulad ng ano? Ewan. Di ko talaga maintindihan. Pakiramdam ko pinagkakaitan ako ng masasayang bagay. Parang wala akong karapatang tumawa ng malakas, humalakhak at pumalakpak. Nawawalan na ako ng gana sa buhay. Ang gusto ko na lang maging bata ulit. Maglaro lang ng maglaro.

"Dreams are my reality, a wonderous world where I like to be..." -Richard Sanderson

Sabi ng professor ko nun sa psychology, 1/3 of our entire life ay natutulog tayo. Nananaginip. Oo nga naman dahil humigit-kumulang 8 oras tayo kung matulog. Pero ako? Hindi lang 8-oras kung matulog dahil higit pa dun. Ang sarap kasing managinip. Lalo na kapag malulungkot, mga trahedya, mga masasaklap na pangyayari, mga sablay ang mapapanaginipan ko, dahil sa paggising ko makakaramdam ako ng relief. Salamat at panaginip lang pala. Pero kung katulad ng totoong buhay ang panaginip, na pwedi mong ituloy-tuloy kapag matutulog na, mas nanaisin kong managinip ng masasaya at gumising na lamang ng 8-oras. Matulog ng 16-oras. Sa panaginip ko na lang tutuparin ang aking mga pangarap. Yun nga lang di ako makakainom ng tunay na redhorse at makakapagbuga ng usok ng yosi, na sa panahon ngayon ay sila lang ang aking kinakapitan na alam kong hindi ako iiwan. Dahil ako ang may hawak sa kanila, iiwan lang nila ako pag binitawan ko na pagkakasakal sa bote at pagkakasipit sa filter. Unti-unti nila akong pinapatay at binubuhay.

Nasasabayan mo pa ba ang daloy ng utak ko ngayon? Wala na talaga akong naiintindihan. Lumulutang talaga ako. Ang sarap kasing pakawalan nito. Sabi ko na sa'yo 'di mo 'to maiintindihan.

“I love walking in the rain, ’cause then no-one knows I’m crying.” -Charlie Chaplin

May mga pagkakataong natutulog akong may katabing panyo, pampunas sana ng LAWAY pero nauuwi sa luha. Sa ganuong pagkakataon hindi na ako makakatulog, papaano ka pa ba naman makakatulog kung basang-basa na ng luha ang iyong unan? Makakatulog lang ako pag sobrang pagod na puso, isip at kaluluwa ko. Ang sakit. Ang saraaap.

Meron pang masarap gawin pag umuulan, ang sumigaw kasabay ng dumadagundong na kulog. Waaaaaahhhhhhhhhh!!! Ang hirap maging masaya, pero andaling maging malungkot. Ang sakit sa dibdib. Ang buhay ko ngayon ay walang pinagkaiba sa lola kong nakaratay na lang sa higaan. Sinusubuan, pinaiinom, binabantayan, pinapaliguan, pinapalitan ng diapers. Nakakulong lang sa apat na sulok ng kama.

"I think I need a new town, to leave this all behind, I think I need a sunrise, I'm tired of the sunset." -Augustana

Nasaan ang aking tapang? Ang aking lakas ng loob? Nasaan? Eh wala naman ako ng ganun eh. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako nandito. Nawawala ako. Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng bumalik sa kung saan talaga ako nagmula. Di ko lam kung saan. Basta gusto ko ng umuwi. Bro gusto ko ng umuwi.
KENVIC<3vente div="div">

kwentong pano nahanap ang curachi!

          
curachi!!

   May ikukwento akong pabulang nagpasalin-salin na sa iba't-ibang bibig at lengwahe. Pati nga hapon may version na nito eh (nanghuhula lang ako). Pabula ito kaya marami kang mapupulot na gintong-aral, maniwala ka.

Umpisahan na natin.

Isang bagong panganak na langgam ang isinilang sa mundo ng mga hayop. Lalaking langgam. Sa kasamaang palad, namatay ang ermats niya sa panganganak sa kanya. At ang erpats naman niya ay hindi na umuwi buhat ng umalis ito sa bahay para maghanap ng makakain. Sa madaling salita, naging ulila kaagad ang kaawa-awang langgam. Siya lang mag-isa at walang kasama. Naisip niyang magpatiwakal na lang at mangakat ng tao kaso nagbago isip niya.

Dahil nga sa ulila na siya kailangan niyang humanap ng makakain para buhayin ang sarili. Sa kanyang paglalakbay marami siyang nakilalang iba't-ibang klasi ng hayop na sa tanang buhay niya ay nuon pa lang niya nakita. Kaya sa bawat makasalubong ito ng hayop na bago sa kanyang paningin, tinatanong niya ito at inaalam kung anong klasi at san nabibilang na uri ng hayop.

Sa isang madamong paglalakad, may nakasalubong siyang ahas.
Tinanong niya ito: Sino ka? Ako ay isang ahas, sagot nito. Ahas?!? Ano yun? Gusto mong malaman?, tanong ng ahas. Oo! Sex muna tayo, sagot ni ahas. Ok sige.
At nagsex nga sila ni ahas. Pagkatapos nun ipinaliwanag ni ahas kung sino talaga siya. Isa daw siyang hayop na kinatatakutan ng mga tao, makamandag daw siya, nakamamatay ang kagat, blah blah blah...

Alam ko iniisip mo paano sila nagtalik ng ahas, kahit ako hangga ngayon iniisip ko papaano nga. Gamitin na lang natin ang ating imahinasyon. Basta nag-sex sila, yun na yon.

Nagpatuloy ang kanyang paglalakbay at napunta sa disyerto. Nakakita siya ng kurbadang may lampin at mga basket na likuran ng isang hayop. Tinanong niya ito: Sino ka? Ako ay isang camel. Ano naman yun?!? Gusto mong malaman?, tanong ni camel. Oo! Sex muna tayo sabi ng camel. Nag-isip muna ng bahagya si langgam pero pumayag din ito. At nagsex nga sila, pagkatapos nun ikinuwento na ni camel kung anong nga uri sila ng hayop.

Pagod na pagod at hapong-hapo na ang kawawang langgam ng makasalubong niya si elepante sa isang maburak na lugar. Ngayon lang siya nakakita ng elepante kaya tinanong niya rin ito. At para masagot ang tanong ni langgam, kailangan din muna daw nilang magsex sabi ni elepante. Oo nagtalik sila, elepante at langgam.

Kaawa-awa talaga itong langgam dahil sa mga nararanasan niya sa kanyang buhay. Marami-rami na din siyang nakikilalang mga hayop tulad ng unggoy, kalabaw, octopus, hipopotamus at iba pa.

Hangga ngayon patuloy ang pakikipagsapalaran niya sa buhay. Malayo-layo na rin ang narating ng kanyang nalakbay at nalaman na rin niya kung ano ang curachi, na nakilala niya sa mababatong lugar.

At dyan nagtatapos ang munting karanasan ni langgam.

wapoise

                         

wapoise>>>>>>>.....




Madalas natin maranasan ito sa mga driver na mahigpit ang pangangailangan... yung naghihintay ng pasaherong sasakay kahit na ilang metro pa ang layo. Nakakabadtrip ang ganito lalo na pag nagmamadali ka, at lalung lalo na kung paimportante ang dating ng pasahero na kung maglakad eh parang nasa ilalim ng buwan tapos hindi man pala sasakay. Badtrip talaga. Ok lang sana kung bebot ang hinihintay ng ganito.

Napakainit. Galit na galit si haring araw, na-miss daw kasi ang mga tao sa Pinas. At na-miss ko din ang di-kaaya-ayang amoy ng ibang pasahero. Sa likod ni manong driver ako naka-upo, at ayun nga may hinihintay itong pasahero.

Pero jusko naman po ang layo layo pa at iisa lang naman ang aming hinihintay. At ito namang babaeng ito, na di namin alam kung sasakay o hindi, di man lang alintana ang tindi ng sikat ng araw. Patext-text at pakembot-kembot pa, walang pakialam sa mga pasaherong naghihintay, hindi man lang bilisan o lakihan ang hakbang. Keber kung keber. Nag-iinit ang ulo ko ng mga oras na yun gustong-gusto ko na kasi talagang makauwi at makaligo, isa na ako sa mga pasaherong may di-kaaya-ayang amoy. Habang papalapit itong babae ito medyo nakikinita ko na ang mukha at hubog ng katawan, at ibang ulo ko ngayon ang nararamdaman kong nag-iinit. Naka-corporate attire at ang lakas ng dating niya, wiwit ang katawan. Sexy. Chikababe. Ang sarap niyang panuorin maglakad, poise kung poise, chin-up, parang rumarampa lang sa entablado.

Umusog ako ng kaunti para kung sakali mang sumakay siya sisiguraduhin kong tatabi sa akin.
Kaso wala rin kwenta, trip niya umupo sa passenger seat kaya dun siya dumiretso. Tinititigan ko siya habang papaakyat ng dyip, pero nabigla ako. Kitang-kita ko ang nangyari. Langya ang lakas ng kalabog, ang lakas ng pagkakauntog niya. Alam kong narinig namin lahat yun.

Hinihintay kong kamutin o haplusin man lang ang ulo niya dahil siguradong bukol ang katapat nun. Pero wala eh, walang paki. Dedma. Parang walang nangyari. Pinanindigan niya ang pagrampa niya kanina. Poise pa rin siguro ang nasa isip niya.

Alam kong mali na pagtawanan siya, kaya nga pinigilan kong humagalpak eh. Ang hirap pala pigilan nun, di ko maiwasan lumolobo tuloy butas ng ilong ko. Wahahaha! Pinagmasdan ko mga nakasakay mukhang pinipigilan din ang pagtawa. Hindi na nga naman kailangan pang ipahiya ang taong napahiya na. Pero kung may isa lang na tatawa dun siguradong matatawa din ako.

Tsk! Tsk! Sayang tsong. Swabe na sana ang tirada kaso wala eh. Wapoise!

hang over daw??

                         
Nagising ako sa ingay ng awayan ng mag-asawang langgam na katabi ko palang natulog kagabi. Marahil sa papalapit na tag-ulan ang kanilang diskusyon. Mabuti na lang abala sila sa kanilang pagtatalo kaya nakalimutan nila akong papakin. Salamat na din nasa dulong bahagi sila ng aking kama. Pero dinig na dinig ko pa rin ang sigaw ng kanilang mga anak… “Tama na inay, lumaban ka itay!!! Parang awa mo na…”


Ang hirap bumangon…


PU+@#$%^&*!!!! DI NA KO IINOM!!! -Pamosong linya ng mga taong may hangover tulad ko.

Parang nasa talampakan ang ulo ko. Ang aking utak parang ginagawang sisig. Parang naka-limang round ako na walang hugutan sa bigat at lupaypay na aking katawan.

Ano na naman kayang nangyari kagabi? Anong kabalbalan at kahihiyan na naman kaya ang nagawa ko? Yan ang unang una kong inaalala paggising ko. Dahil sa isang masaya at halakhakang inuman lahat pweding gawin. Walang limitasyon. Walang kontrol. Tawanan. Humagalpak hanggang magdugo ang lalamunan. Ganyan kagaan ang buhay kapag umiinom, para kang nakalutang sa dagat ng alak.

Gusto kong tubig. Malamig na malamig, nagyeyelo. Softdrinks na lang. Noodles. Mami. Goto. Kape kaya? Kapeng mainit na mainit. Kapeng malamig? Starbucks?

Teka, papaano ba uminom ng kape sa Starbucks o sa kahit saan pa mang bonggahan na kapehan? Nagbabago ba ang lasa nun kapag dalawang oras mong iniinom? Dapat ba laging may tira? Sosyalan. Aminin na natin ang ibang nagpupunta sa mga ganyan nagpapanggap lang. Taas noo pa nga eh habang nakaupo. Nakikipagsabayan kahit hindi naman kaya.

Sa inuman meron din na nagpapanggap. Nagpapanggap na walang pera kapag bayaran na. Nagpapanggap na lasing na para lang makauwi na. Nagpapanggap na masaya, pero nasasaktan pala. Nakikipagsabayan kahit hindi naman kaya. Maraming taong ganyan umiinom para lumimot panandalian sa malupit na takbo ng buhay. Pero ang masaklap, kinabukasan, masakit na ang ulo kumikirot pa rin ang puso. Hangover talaga.

Sa tindi ng hangover na nararam…




ARAY!!!


Pucha! Si manong langgam lumapit pala sa akin. Di na nakayanan ang pasan na pasan na problema dahil sa bungangerang asawa. Nagsuicide.
kenvic<3 div="div">
                                                                   pagkikita
                                                                  khathang isip ko lng gus2 nakitang makita
 




Hay... ang sarap ng gising ko kaninang umaga, dahil sa napakahimbing kong tulog kagabi bunga ng nasasabik na isang pagkikita.

Kagabi, binilang ang kakaunting pera at dumaan sa isang malapit na mall para bumili ng damit. Pagdating ng bahay, sukat dito, sukat doon. Itinabi pa ang paboritong brief para sa kinabukasan. Talagang pinaghahandaan. Bukas, sa pinagusapang tagpuan, maaaring makita ko na ang aking sarili.

Ang bilis ng mundo, parang laging nagmamadali. Ang hirap sumabay, nakakahilo. Maaaring ito na ang kahuli-hulihang pagkikita, maaari ding hindi. Pero nabibilang na ang mga oras ko, dahil pinili kong tuparin ang aking mga pangarap, hindi dito, kundi sa napakalayong lugar.

Hindi mapakali. Nakatingin sa orasan, tatawa bigla. Walang hiya hindi mapakapaghintay, nauna ng pinaandar ang nagaalburotong isipan. Ang saya siguro nito, siguro magsusubuan kami habang magkahawak kamay tapos tapos... Taena para akong bata.

Tama, parang wala rin namang pupuntahan to. Papatayin lang namin ang isa't isa. Ayokong lamunin ng kilig. Gustuhin ko man, pero mahirap i-slow-mo ang mundo. Walang makapagbabago ng aking isipan, dahil nananaig pa rin sa akin ang makatikim ng kahit na kaunting karangyaan. Pero ayoko magsalita ng tapos. Tulad ng nabanggit ko, maaring dito ko makita ang sarili ko.

Ayoko munang mag-isip ng kung anu-ano. Ayokong bumitaw 'tong pananabik na nararamdaman ko.

Antagal naman, may inaasikaso pa ata o baka hindi makapili ng damit. Pinaghahandaan din ata. Hahaha...

Ayos! May mensahe...



"Cancel na muna. Sorry."




Ngayon, nakatulala sa tala.



Minsan mag-iisip ka bakit tila napakailap ng kaligyahan? Bakit tila hindi rin pangmatagalan ang ligaya? Ano ba ang sukatan ng kaligayan? Ano ba ang anyo nito?



Tila napakahirap sagutin ng mga tanong na yan? Tingin natin tila napakalawak ng salitang “KALIGAYAHAN ”. Sabi nila hindi nating pwedeng pangarapin ang kaligayan dahil hindi ito pemanante sa mundo. Wala ring pormula ng kaligayahan dahil nababatay ito ayon sa sukatan o pamantayan ng isang tao.

Noong tayo’y musmos pa, hindi ba sa isang supot lamang nang kendi sapat na para maramdaman natin ang lubos na kaligayahan. Subalit bakit sa pagdaan ng panahon tila hindi na tayo kaya pang mabigyan ng kaligayan ng isang supot ng kendi. Maari kaya na ang kaligayahan ay batay sa kaalaman o utak ng isang tao? Na habang tumatalino ang tao nagiging kumplikado ang pamantayan ng kaligayahan nito?

Lahat ng tao nagnanais maging masaya. Hindi ba? Pero paano ba nating sisimulan ito? Kailangan ba nating makuntento bago lumigaya, o kailangan nating maging maligaya bago makuntento?
.
Sa aking paglalakbay sa mundong ito at pagtatanong sa ibang tao, lagi kong naririnig, “GUSTO KO LANG NAMANG MAGING MALIGAYA!” Sino bang nilalang ang ayaw nito? Subalit paano mo hahanapin ang isang bagay kung sa iyong sarili hindi mo naman alam kung ano ang iyong hinahanap. Ni hindi mo alam kung paano maipapaliwanag ang pakiramdam ng kaligayahan? Makikita ba ito sa tamis ng iyong ngiti? Maririnig ba sa lakas ng iyong halakhak?O mararamdaman ito sa pamamagitan ng paglutang ng kaisipan at paghihiwalay ng iyong kaluluwa sa iyong katawan? Paano mo ito maipapaliwanag?Alam mo ba?

Ang KALIGAYAHAN ay isang emosyon, at ang emosyon ay nagbabago. Ang emosyon ay hindi hinahanap, kusa itong nararamdaman base sa sitwasyon. Ang sitwasyon ay paiba- iba bawat segundo at ito’y naaayon sa iyong kapaligiran.Ang kapaligiran ay sumasabay naman sa pag-ikot ng mundo. At ang mundo ay patuloy na iinog at hindi titigil kahit kailanman. Kaya ang KALIGAYAHAN ay patuloy na nagbabago, nag-iiba ng anyo, nagpapalit palit ng kahulugan, hindi pangmatagalan at sumasabay sa pag-ikot ng mundo.. Hindi sya pwdeng tanungin ng ANO, BAKIT,PAANO, SINO,SAAN ,KAILAN, ALIN o tanong na nalikha sa mundong ito dahil walang tamang sagot dito, walang partikular na kasagutan at lalong walang permananteng tugon dito. Nagbabago ang sagot ng tao at paiba-iba din ang sagot nila kahapon, ngayon, bukas at sa makalawa.

Totoo ngang nakakapagod hanapin ang kaligayahan dahil maaring naman wala tayong dapat hanapin o hindi naman talaga dapat ito hinahanap. Dahil tulad ng sipon, ubo,lagnat at iba pang sakit pasulpot sulpot lamang ito, nawawala at bumabalik muli.Lumilitaw sa hindi inaasahang oras at nagpaparamdam sa biglaang pagkakataon.
.
Bakit hindi na lang nating hayaan na ang KALIGAYAHAN ay dumampi sa ating mga puso na parang isang malamig na hangin lamang. Damhin ito hanggang sa huling paghaplos nito sa iyong balat, lasapin ang kahuli-hulihang lamig na kayang magbigay sa iyo na panandaliang pagkalimot sa iyong kamalayan. Huwag hawakan dahil kusa lamang itong aalpas sa iyong mga kamay at kahit gaano mo pa asamin na itago at ipunin ito, mawawala na lamang ito sa isang iglap. Hayaan na lang na siya ang yumapos at humagkan sa atin dahil baka sa paaatubiling panghawakan ito, nawala sa atin ang oportunidad na maranasan ang bawat pag-ihip ng malamig na hangin . At mangarap na lamang na muling makadaupang palad ang malamig na haplos ,intayin ang pagdampi ng ihip ng hangin at umasang maramdaman muli ang pagkakataong minsan lamang dumating sa ating buhay. Hanggang sa huling hibla ng hangin at hanggang sa huling pagyapos ng KALIGAYAHAN sa ating buhay......
.
.
When one door of happiness closes another opens; but often we look so long at the closed door that we do not see the one which has opened for us.--Helen Keller .
.
Ingat

kenvic love badeth! im happy 2 being with you!
happy transplant!!
HELLLO!!! Kamusta na mga kautak?? Dyos ko pong pineapple juice, halos isang taon na pala akong walang post. Dyos miyo…pasensya naman !!
Sana may mga bagay na pwedeng palitan, katulad ng ugali ng tao o di kaya personalidad mo.pwede din sanang ibahin. Bakit hindi kaya nauuso ang PERSONALITY TRANSPLANT? Para piliin mo ang mga personalidad na gusto mo. Minsan may bagay na gusto mong maging ganito o ganyan, subalit dahil likas na sa iyo ang isang personalidad hindi mo na ito magawang mapalitan pa.
Minsan masarap magkaroon ng personalidad na MATAPANG, yung walang inuurungan na kahit sino, para walang mang-aapak sa iyo na ibang tao. Patayan kung patayan, sabugan ng mukha kung kailangan. Tapos palitan mo naman agad ng personaliad na MALAMBING, para naman makita nila na malambot din ang puso mo. Baka pwede ng gawing combination ito, yung parang milk shake lang, Pagsamahin ang dalawang personalidad.
Minsan nangangarap ka ng personalidad na INSENSITIVE ka sa pakiramdam ng iba, para Malaya mong gawin ang gusto mong gawin may masaktan ka man o wala. O kumuha ng ugaling MANHID, para naman hindi ka makaramdam ng sakit kapag may nanakit sa iyo. Yung tipong para kang robot na walang emosyon at walang pakiramdam.
Nais ko rin magkaroon ng personalidad na MASIYAHIN para naman kahit sa malungkot na pangyayari magawa ko pa ring maging masaya. Tapos sasamahan ko rin ng personalidad na POSITIBO para naman kahit punong puno ako ng problema sa buhay isipin ko pa rin na masarap mabuhay sa mundo.
Gusto ko ri minsang magkaroon ng ugaling MAKASARILI, para gawin ang mga bagay na gusto kong gawin na walang iniisip na ibang tao. O di kaya naman magkaroon ako ng personalidad na MAANGAS para hindi ako lapitan ng mga taong may masamang binabalak lang sa akin.
Baka pwede rin akong maging SPOILED BRAT para naman hindi ako titigil hanggat hindi napapasaakin ang gusto ko. O ugaling MAPAGDUDA para naman hindi inaabuso ng ibang tao ang tiwalang ibibigay ko. Baka minsan pwede rin akong magkaroon ng ugaling INOSENTE para wala akong muwang sa tama o mali. Para gawin ko man ang mali hindi ako magdadalawang isip
Pwede kayang magkaroon ako ng ugaling RISK-TAKER para hindi ako natatakot sa mga resulta ng mga desisyon ko sa buhay. O kaya maging PRANKA, para nagagawa kong sabihin sa ibang tao ang mga ayaw ko sa kanila.
Gusto ko rin maging NARCISSIST para kahit ayawan ako ng lahat ng tao sa mundo, mayroon pa rin nagmamahal sa akin…......ang sarili ko. Pwede kaya iyun?
Sana totoo ngang may personality transplant o di kaya pwedeng bilhin sa tindahan para gamitin mo ang gusto mong gamitin sa araw na iyon. Parang relong may interchangeable bracelet, o gulong na pinapalitan kapag flat na. Pero hindi eh! Mukhang Malabo atang mangyari yun.
Makuha ko man ang mga personalidad na gusto ko, sa huli maiisip ko kahit maging PERPEKTO MAN AKONG TAO.nakakalungkot na wala naman kasing PERPEKTONG MUNDO. Hindi siguro tao ang may problema, ang kapaligiran ko at ang MUNDO mismo. Baguhin ko man araw-araw ang personalidad at ugali , tyak hindi pa rin nito mababago ang mundong kinabibilangan ko. Patuloy pa rin lalabanan ang mga kagustuhan ko sa buhay.
Hangarin ko man makuha ang mga personalidad at ugaling gusto ko, hindi pa rin ako masisiyan dahil sa huli kailangan ko pa ring sumabay sa pag-ikot ng mundo. Kaya bakit ko pa ba babaguhin ko pa ang sarili ko,? kung baguhin ko man o hindi ,aayon pa rin ako inog ng mundo at isasabay ko pa rin ang sarili sa bawat paggalaw ng mundo . Marahil ang kailangan kong gawin ay tanggapin na lang mga bagay na meron ako at gamitin ko sya sa paglalakbay sa MUNDOng ito
Harinawa, na sa paglalakbay na ito, mapulot ko ang mga ugaling gusto ko at maisasabuhay ko ang mga ito ng hindi nangangailangan ng operasyon at hindi pilit. Isa-isa sanang magiging natural sa akin ang mga personalidad na pinakamimithi ko para hindi ko na kailangan pang asamin na maibento ang titulo ng sanaysay na ito.
im happy 2day kc nakita konanamn ung inspirasyon kho!
kahit sa technology lng kmi nagkakausap at nagkikita hinde ko sasayangin ung trus na binigay nya para skin!
salamat talaga kay god dhil binigay nya skin  ung taong ku2mple2 ng mundo ko!