Biyernes, Disyembre 7, 2012

     ........ . .................................... MINADALING PANAHON.........................................



                                                            prince of prince
                                                                 story



Noong ikaw ay nasa elementarya ay hinangad mo nang makatungtong ng hayskul. Nahilig ka sa mga love song at inaalay ang mga kantang ito sa iyong crush. Inisip mo na ang iyong mga kaibigan ay makakasama habang buhay. Nanonood ka na nang mga palabas sa telebisyon na pang binata at dalaga tulad ng TGIS at GIMIK, meron ding Berks.

Noong ikaw ay nasa hayskul ay nais mong makatapos agad at magkolehiyo, dito ay naglilihim ka sa iyong mga magulang na ikaw ay may kasintahan na. Nagsimula kang magcutting classes dahil iniisip mo na buti pa sa kolehiyo hindi buong araw ang klase. Sumubok ka na rin magyosi at uminom ng alak. Nasiyahan ka sa mga barkada sa mga texts at chat. Nakikipag-eyeball para mas dumami ang mga kaibigan. Sumubok ka na din maglaro ng apoy.

Habang nasa kolehiyo ay naiinip kang makatapos. Iniisip mo na kung san ka papasok at kung anong klaseng trabaho. Dahil alam mong di masyadong importante ang attendance sa klase ay pinagpapalit mo ito sa pagtambay at panonood ng sine. Humihingi ka ng baon at pera para sa project pero pinambibili mo lang ng bagong gamit, damit at cellphone. Ayaw mo pahuli sa iyong mga kaklase, dahil gusto mo sikat ka. Kung dati ay painom-inom lang sa mga bahay ng kaibigan ngayon ay nagbabar hopping ka na rin. Tumatambay na sa Starbucks, akala mo may pera nang kinikita. Nagsimula ka na rin sumubok na mangolekta ng kasintahan.

Ngayong nagtratrabaho ka na, nais mong muli mag-aral. Naiisip mo na mabuti pa ang mga estudyante walang pasok pag may bagyo. Naiisip mo din na, noong nagaaral ka pa wala kang problema sa budget. Ngayon ay naghihintay ka ng ika-15 at ika-30 araw ng buwan. Hindi ka makahanap ng mas magandang trabaho dahil hindi maganda ang transcript mo sa kolehiyo. Feeling mo di ka pa handa magtrabaho dahil parang wala ka pang masyadong alam. Naisip mo na, kung di ka nagbarkada at nagfocus ka saana sa pag-aaral ay baka mas maganda pa ang trabaho mo ngayon. Nawala na din ang mga itinuring mong kaibigan, mga kaibigan sa inuman at tambayan. Nakahanap ka na ng taong nais mong pakasalan. Pero sobrang nahihiya ka dahil alam mong hindi mo na kayang ibigay ang best para sa kanya. Di mo kayang ibigay ang lahat para sa kanya, dahil ang iba ay naibigay mo na sa mga dati mong naging kasintahan. Narealize mo na mahirap pala ang buhay. Ang dating wala kang pakielam sa pagtaas ng gasolina't pamasahe ay nirereklamo mo na. Tinatanong mo ang gobyerno kung san napupunta ang binabayad mong tax. Ngayong hindi mo na minamadali ang lahat, gusto mong balikan ang iyong nakaraan para maayos ang ilan sa iyong mga kamalian.





                                                                                                                                                                      
                             mas mayaman pa ang pulubi kesa saken!!                                                              




Tuwing umaga papuntang area (assigned territory) ay lagi kong nakikita ang pulubing naglilimos sa sakayan ng Jeep sa divisoria sa tapat ng simbahan ng tundo. Siya ay matandang lalaki. May matiponong katawan para sa isang pulubi. Meron itong tattoo sa braso, di ko maalala yun imahe. Nakasaklay dahil hirap na siyang lumakad. Meron din siyang salamin dahil malabo na ang kanyang mga mata. Suot niya ang kanyang itim na belt bag kung saan nakapaloob ang walang laman na dalawang cup noodle. Dito inilalagay ng matanda ang kanyang mga nahihinging barya. Ang isa ay para sa mga tigpipiso at limang piso at ang isa pa ay para sa mga tigbebente-singko.

Bigla kong naalala ang matandang ito nang natanggap ko ang bill ng aking credit card. Hindi ko kasi alam kung papaano ko lilimusin sa aking nanay ang mga pambayad sa mga kautangan. Alam ko namang hindi niya ako bibigyan ng pera. Dahil sa mula nang nagtrabaho ako ay ako na ang gumagastos para sa aking mga pangangailangan.

Pansamantala akong nainggit sa matandang pulubi. Buti pa siya ay walang problema sa pamasahe at damit dahil wala naman siyang trabaho. Hindi niya naiisip ang gastos sa kuryente at tubig dahil wala naman siyang bahay. Hindi rin siya nababahala sa kanyang pagkain dahil sigurado siyang merong suking pasahero na magbibigay sa kanya. Mabuti pa ang matandang pulubi zero lang, ako negative pa. Kung sakaling may maglimos sa kanya ng sampung piso sa mga oras na ito, malamang mas mayaman pa siya ngayon sa akin nang Php**,*10.00




share ko lang po^^


prince of prince
hmmm^^ nakaranas ako nyan kaya lng di ako ung nakaranas !!


classmate ko.......nung 4th year ako  grve ngayon eh? kapit bahay kc namen sya wag ko nanga banggitin  ung name nya!!
 secret na lng naten!!*****
grve mas excited pa sa ina nya!! bihis na bihis nga sya eh? lahat bago sa knya!!

hanep den sa make up!!
nag pasalon pa ata un eh?
tapos nung nandun na kme sa school.....bawat section tinatawag na at bawat istudyante pinapapanic na sa stage para tumanggap ng diploma!!




four three....un section nanamen!! isa isa tinatawag ung pangalan kasabay ng pagtugtog ng graduation  song!! laht kme kabado sa pag panic sa stage!!
wala kc kame practice practice kc hinde kme pinapa  attend ng adviser namn baka daw magkalat lang kme!! kami ung section na super gulo!! kesa sa lower section!!

tapos last na natawag sa mga classmate ko hinihintay paren nya ung name nya hanggang sa hinde sya natawag!!

grave iyak sya ng iyak kala nya kasama sya sa mga magccpag tapos!!

kawawa nga eh?



kaya umuwe na lng cla ng mama nya!!



prince of prince
    hmmmm!! ito nanamn ako mga kautak  sensya na kung ngayon lng ako nakapag blog!!


                                      superrrrrrr bz kc sa  mga girls!!^^
joke lng  po!! di ako mahilig dun(haha^^)
bolero lng ako di ako babaero(ok^^)

dame kc mga tao sa paligid ko  ganun ang nakikita saken pero ang totoo!!
mabait,makulet at superkalog!!
    ako...... ewan ko lang sasarili ko kung totoo un pati kc ako nababaliw na sa mga kalokohan ko!!
madame akong hilig... mag facebook,matulog at ang talen ko!!


mang-asar ........nang mga taong nakakasalubong ko!!Haha^^>
sama ko noh?
pero syempre!! joke lang un!!

ako tiyak kapag nakasama mo ko! haha^^ mababaliw ka sa mga pinag sasabi ko kc lahat ng mga sinasabi ko ako lang  ang  nakaka  alm ...........haha^^
 cge na nga  isusulat ko na ung bagong post ko dto sa tambayan lng!!


sakit na ba ulo mo!!!


haha^^





buti nga sayo!!




peace!!



prince of prince^^